Dito makikita ang itsura ng bundok ng batulao mula sa tuktok ng bundok na ito, inakyat namin to ng halos isa't kalahating oras dahil kami ay nag pa umaga pa sa campsite ng bundok dahil gabi kame nagpunta dito.
At dito naman ay yung tinatawag nilang knife edge sa kadahilanang ang daan nito ay pang isang tao lang at pag kayo ay nagkamali ng tapak ay pwede kang mahulog.
Ito naman ay kung saan kame ay nasa peak na kame ng bundok.
Sa totoo lang ay isa kong matatakutin sa matataas pero simula nung nakaakyat ako dito, lahat ng takot na naramdaman ko pag nasa mataas akong lugar ay nawala dahil na din sa pag akyat dito.
Meron ditong rule na sinusunod namen na bawal magkalat at lagi ka din dapat babati sa mga nakakasalubong at magsasabi ng ingat sa mga taong umaakyat at bumababa.
Makikita ito sa batangas, sana naging masaya kayo sa pagbabasa ng blog ko.


